Martes, Mayo 15, 2012

Kahulugan ng pick-up line

        Isang paraan ng pagbubukas ng konbersasyon sa isang kilala o hindi gaanong kilalang tao upang ipahayag ang iyong saloobin sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga pahayag na sadyang nakakatawag pansin. Sa mga manunuyo, ang mga pick-up lines ay ginagamit upang makapagdulot ng magandang impresyon sa babaeng sinusuyo. Ito ay maaring ipahayag sa pamamagitan iba't ibang paraan ng komunikasyon (text, chat, sulat, personal na pakikipag-usap atbp.)
         
         Mga koleksiyon ng pick-up lines

  • Pakicheck mo nga yong relo mo, baka kasi oras na para maging tayo..:-)
  • Kung garbage ang laman ng garbage truck, bakit tubig ang laman ng fire truck? Tulad ng puso ko, akin naman ito, pero bakit ikaw ang laman nito?
  • Alam mo ba ang meaning ng seryoso? Malalaman mo yan pag naging tayo :-)
  • Huwag kang kiligin sa lovelife ng iba..mangyayari rin yan sayo pag naging akin ka :-)
  • Hindi ka naman pera, pero bakit naghihirap ako kapag wala ka? :-(

kinikilig ako sa mga banat mo!

Ano nga ba ang banat o pick-up lines? Bakit nga ba tayo kinikilig sa tuwing naririnig o binabasa natin ito? Paano nga ba ito nagsimula?